Ipinahayag kamakailan ng isang opisyal ng Pertamina, kumpanya ng langis ng Indonesia na pinaplano ng Pamahalaang Indones na bago dumating ang taong 2019, maglalaan ang bansa ng mahigit 2.4 na bilyong dolyares para mapataas ng di-kukulangin sa 9.4 na milyong bariles ang reserba ng langis ng bansang ito. Ang bahagdan ng paglaki nito ay aabot sa 40%.
Bukod dito, patataasin ng Pertamina ang umiiral na 6 na refining facilities, at bunga nito'y aabot sa 1.5 milyong bariles na daily output ng langis mula 1 milyong bariles sa ngayon.
Salin: Li Feng