Ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkatapos ng pagbalik ng Hong Kong sa Tsina, walang soberanya, at karapatan ng pangangasiwa at pagsusuperbisa ang Britanya sa Hong Kong, at saka wala di-umano'y itong "obligasyon" sa Hong Kong.
Dagdag pa niya, ang mga suliranin ng Hong Kong ay nabibilang sa suliraning panloob ng Tsina, ang pananalitang mayroong obligasyon ang Britanya sa Hong Kong ay nagsisilbing pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina. At hindi aniya tinatanggap ng Tsina ang naturang aksyon.