Nagkomento ngayong araw si Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina sa paghimok ng Amerika sa panig Tsino na maging mahinahon at pleksibo sa aktibidad ng "Occupy Central" sa Hong Kong, at payagan ang pagpapahayag ng mga taga-Hong Kong ng kanilang hangarin.
Sinabi ni Hua na ang mga isyu ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at buong tinding tinututulan ng Tsina ang pakikialam ng anumang bansa sa mga isyung ito sa pamamagitan ng anumang porma. Dagdag pa niya, sa halip ng pagpapalabas ng nabanggit na pananalita at pagpapahayag ng pagkatig sa ilegal na aktibidad ng "Occupy Central," dapat gumawa ang Amerika ng mas maraming bagay na makakabuti sa katatagan at kasaganaan ng Hong Kong.
Salin: Liu Kai