Ayon sa pinakahuling estadistikang ipinalabas kahapon ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, noong isang buwan, lumampas sa kauna-unahang pagkakataon, sa 100 milyong person-time ang mga turistang Tsino na bumiyahe sa ibang bansa sa taong ito. Ang Asya ay nananatili pa ring pangunahing destinasyon ng mga turistang Tsino.
Mula noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito, mahigit isang milyong person-time na turistang Tsino ay naglakbay sa Biyetnam, Singapore, Timog Korea, Thailand, Hapon, at Estados Unidos.
Salin: Li Feng