Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa isang news briefing tungkol sa "Ulat ng Pag-aaral sa Pag-unlad ng Tatak ng mga Produktong Agrikultural ng Tsina," upang mapasulong ang pag-unlad ng pambansang tatak ng produktong agrikultural ng bansa, itatatag ng Tsina ang sistema ng listahan ng mga tatak ng produktong agrikultural, at regular na isasapubliko ang mga produktong may pambansang tatak.
Ipinahayag ni Zheng Hecheng, opisyal ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina, na mahalaga ang katuturan ng tatak para sa mga mamimili ng produktong agrikultural. Gaya ng bigas mula sa Thailand, at tobacco mula sa Zimbabwe, sila aniya ay mga kilalang tatak na kabisadong kabisado ng mga mamimili, sila ring kumakatawan sa magandang reputasyon ng isang produkto.
Salin: Li Feng