Idinaos kahapon sa Basel, Switzerland, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Organization for Security and Co-operation in Europe (OSCE). Ang krisis ng Ukraine ay nagdulot ng mainitang pagtatalo sa pulong na ito.
Pinuna ng Ukranie, Switzerland, Alemanya, Amerika, at iba pang bansa ang Rusya sa pananalakay sa Ukraine at pagpapalala sa sagupaan sa gawing silangan ng bansang ito. Sinabi rin nilang hindi pa ipinapatupad ng Rusya ang kasunduan sa tigil-putukan sa silangang Ukraine.
Pero, ipinagkaila ng Rusya ang lahat ng nabanggit na akusasyon. Sinabi nitong hindi nagkaloob ang Rusya ng tulong na militar sa mga lokal na sandatahang grupo sa silangang Ukraine, at nagbibigay-tulong din ito sa paglutas ng krisis sa naturang bansa.
Salin: Liu Kai