Isiniwalat kahapon ni Li Pumin, Pangkalahatang Kalihim ng National Development and Reform Commission ng Tsina(NDRC) na pinatatakbo at patatakbuin ng Tsina ang mga proyekto ng koryenteng nuklear sa baybaying dagat, sa kasalukuyan at susunod na taon. Dagdag niya, mga pinakamataas na pamantayang panseguridad sa daigdig ang ipinapatupad at ipapatupad sa nasabing proyekto.
Ayon sa ulat, pagkaraang maganap ang sakuna sa Fukushima Nuclear Power Station ng Hapon, pansamantalang itinigil ng Tsina ang pagsusuri at pag-aaproba sa mga bagong proyektong nuklear.