Ipinahayag kahapon ni Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na nakahanda ang pamahalaan na makipagdiyalogo sa sinuman hinggil sa general election ng Hong Kong.
Dagdag pa ni Leung, ang pagdaraos ng general election ay dapat sumunod sa Saligang Batas ng Hong Kong at mga may kinalamang kapasiyahan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Aniya, kung lalabag sa Saligang Batas o nabanggit na mga kapasiyahan, hindi posibleng idaos ang pangkalahatang halalan sa 2017.