Isang pulong tungkol sa paglaban sa droga ang idinaos kahapon sa lunsod Zhongshan ng Lalawigang Shandong ng Tsina. Sa pulong, isinalaysay ni Liu Yuejin, Pirmihang Pangalawang Direktor ng Pambansang Tanggapan ng Paglaban sa Droga, Asistanteng Ministro ng Pampublikong Seguridad, at Puno ng Kawanihan ng Paglaban sa Droga ng Tsina, na ayon sa di-ganap na estadistika, sa ngayon, umabot na sa mahigit 100 ang bilang ng mga organisasyong panlipunan sa paglaban sa droga. Ang mga ito aniya ay nakatala sa mga departamento ng suliraning sibil ng bansa.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, ang China Narcotics Control Foundation (CNCF) ay isang organisasyong panlipunan ng paglaban sa droga na may pinakamataas na lebel, pinakamalaking puwersa, at pinakamalaking impluwensiya sa Tsina. Pagkaraan ng maraming taong pagsisikap, natamo ng organisasyong ito ang mayamang karanasan, at ito ay nagsisilbing mahalagang puwersa sa paglaban sa droga ng bansa.
Salin: Li Feng