Ipinahayag kahapon nina Pangulong Vladimir ng Putin ng Rusya at Pangulong François Hollande ng Pransya na napakahalaga ng pagpapahupa ng situwasyon ng Ukraine, at ipinalalagay nilang sa kasalukuyan, may kondisyon na, para mapababa ang lebel ng krisis ng naturang bansa.
Bukod sa krisis ng Ukraine, tinalakay pa ng dalawang lider ang tungkol sa paglutas sa isyu ng Syria, at isyung nuklear ng Iran. Ipinahayag ni Putin na mayaman ang nilalaman ng kanilang pag-uusap, at konstruktibo ang mga ito.
Salin: Li Feng