Sa pamamagitan ni Masato Kitera, Embahador ng Hapon sa Tsina, ipinadala kamakailan ng Chinese Civil Claims Against Japan Federation ang liham sa Pamahalaang Hapones at kay Shinzo Abe. Hinihiling nito sa Pamahalaang Hapones na matapat na pagsisihan ang Nanjing Massacre at magbigay ng katugong kompensasyon sa mga naiwang kamag-anakan ng mga biktima. Anito pa, dapat humingi ng kapatawaran ang Pamahalaang Hapones sa lahat ng mamamayang Tsino na pinatay ng tropang Hapones noong panahong iyon.
Ang ika-13 ng kasalukuyang buwan ay araw ng paggunita sa ika-77 anibersaryo ng Nanjing Massacre, at ito rin ang kauna-unahang National Public Memorial Day ng Tsina. Ipinakikita nito ang matatag na posisyon ng mga mamamayang Tsino sa paglaban sa mapanalakay na digmaan, pagtatanggol sa dignidad ng sangkatauhan, at pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.
Salin: Li Feng