|
||||||||
|
||
Isang Earth Resources Satellite na magkasamang sinubok-yari ng Tsina at Brazil ang inilunsad kahapon sa Taiyuan, kabisera ng lalawigang Shanxi, Tsina.
Nang araw ring iyon, nagpadala ng mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Dilma Rousseff ng Brazil hinggil dito.
Ipinahayag ni Pangulong Xi, na ang paglulunsad ng naturang satellite ay ang kauna-unahang pagtatagumpay ng mga umuunlad na bansa sa kooperasyong pangkalawakan. Umaasa aniya siyang tutupdin ng Tsina at Brazil ang itinakdang pansampung-taong plano sa kalawakan; pahihigpitin ang inobasyon at kooperasyon sa siyensiya at teknolohiya, para ibayo pang payamanin ang kanilang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan at makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Pangulong Rousseff na ito ay nagpapakita ng potensyal ng mga umuunlad na bansa sa kooperasyon ng inobasyong pansiyensya at panteknolohiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |