Ipinahayag kahapon ni Datuk Noor Rashid Ibrahim, Pangalawang Pinuno ng Malaysian National Police na nasa mahigpit na pagmamanman ng Kapulisan ang sinumang may- kinalaman sa mga teroristikong aktibidad ng ISIL, kabilang na ang mga sundalo at pulis.
Ayon sa ulat, dalawang sundalo ang dinakip, noong Nobyembre, dahil sa kasong pagbibigay ng pondo sa mga miyembro ng ISIL.
Hanggang noong ika-13 ng Nobyembre, 39 na taga-Malaysia ang kumpirmadong nakisangkot sa mga aktibidad ng ISIL sa Iraq at Syria, at lima sa kanila ang namatay.