Idinaos kagabi ang inagurasyon ng pagbubukas ng Konsuladang Heneral ng Tsina sa kalunsuran ng Denpasar, Indonesia. Pinanguluhan ang nasabing seremonya ni Hu Yinquan, kauna-unahang Konsul Heneral na Tsino sa Denpasar.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang mahigit 500 taong kinabibilangan nina Qian Hongshan, Asistante ng Ministrong Panlabas ng Tsina, Embahador Tsino Xie Feng sa Indonesia, mga opisyal mula sa lalawigang Bali, mga kinatawan mula sa organisasyong Tsino sa lokalidad, mga diplomata ng ibat-ibang bansa sa Denpasar, at iba pa.