|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Zhang Xiangchen, Asistente ng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa hinaharap, ibayo pang palalakasin ng Tsina ang tulong sa mga bansa sa kahabaan at sa paligid ng One Belt And One Road o OBAOR.
Ang pagtatatag ng OBAOR na kinabibilangan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road ay mas binigyang halaga ng pamahalaang Tsino.
Para mapalakas ang konstruksyon ng OBAOR, nakipagtulungan ang Tsina sa ibang mga bansa para maitatag ang Asian Infrastructure Investment Bank, upang makalikha ng plataporma ng pananalapi para sa konstruksyon ng imprastruktura sa kahabaan ng OBAOR. Ngayon, nakatakda naman ang Tsina na maglaan ng 40 bilyong dolyares na pondo para direktang tumulong sa konstruksyon ng OBAOR.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |