Sa pulong na idinaos kahapon ng Ika-69 na Pangkalahatang Asembleya ng UN bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagkabisa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na iginigiit ng Tsina ang pagsasagawa ng "rule of law" sa mga isyung pandagat, at mapayapang paglutas sa mga hidwaang pandagat.
Binigyan din ni Liu ng positibong pagtasa ang pinapatingkad na papel ng UNCLOS. Dagdag pa niya, bago ganap na malutas ang mga hidwaang pandagat, dapat isagawa ng mga may kinalamang panig ang diyalogo at kooperasyon, para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatan.
Salin: Liu Kai