|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng Meralco, pinakamalaking bahay-kalakal ng pagbebenta ng koryente ng Pilipinas, na bahagyang papababain nang maliit ang presyo ng koryente sa kasalukuyang buwan.
Anang Meralco, dahil sa pagbaba ng gastos sa paglikha ng koryente, papababain nang 0.19 peso bawat kilowatt-hour ang presyo ng koryente ng kompanyang ito sa Disyembre.
Ito ang ika-2 beses na pagpapababa ng Meralco ng presyo ng koryente, pagpasok ng nagdaang Oktubre. Ayon sa kinauukulang personahe ng Meralco, ang dahilan ng pagbaba ng presyo ng koryente ay tuluy-tuloy na pagbaba ng presyo ng langis.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |