Sa Lima, Peru-Binuksan dito kahapon ang mataas na pulong ng UN Climate Change Conference.
Ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pag-asang marating sa kasalukuyang pulong ang kasunduan hinggil sa pagbabago ng klima, at pagtibayin ito sa gagawing pulong sa Paris. Positibo rin si Ban sa magkasanib na pahayag hinggil sa pagbabago ng klima na narating kamakailan ng Tsina, Amerika at Unyong Europeo.
Samantala, ipinahayag din ni Sam Kutesa, Tagapangulo ng Ika-69 na Pangkalahatang Asemblea ng UN ang pag-asang isagawa ng komunidad ng daigdig ang hakbangin para pataasin ang kakayahan nito sa pagbabago ng klima at mabawasan ang pagbubuga ng greenhouse gas. Dagdag pa niya, may pag-asang igiit ang prinsipyong "Common but different responsibility" sa usaping ito.