|
||||||||
|
||
Si Hong Lei, Tagapagsailta ng Ministring Panlabas ng Tsina
Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsailta ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kahilingan ng kanyang bansa sa Biyetnam na igalang ang soberanya ng teritoryo ng Tsina at karapatan nito sa dagat. Dagdag pa niya, dapat lutasin ng dalawang panig ang alitang may kinalaman sa Nansha Islands sa pamamagitan ng diyalogo, batay sa paggalang sa kasaysayan at Batas na Pandaigdig, para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Ayon sa ulat, bilang tugon sa dokumento hinggil sa isyu ng South China Sea na ipinalabas ng Tsina kamakailan, sinabi kahapon ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam na mayroong soberanya ang kanyang bansa sa Nansha Islands at Xisha Islands.
Hinggil sa isyung ito, ipinahayag ni HongLei na may di-mapapabulaanang soberanya ang panig Tsino sa Nansha Islands at rehiyong pandagat sa paligid nito. Ang Xisha Islands ay teritoryo ng Tsina mula pa noong sinaunang panahon, ani Hong.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |