|
||||||||
|
||
Mula ika-14 hanggang ika-20 ng buwang ito, dadalaw si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Kazakhstan at Serbia, at lalahok sa ika-2 regular na pagtatagpo ng mga Punong Ministro ng Tsina at Kazakhstan, ika-13 pulong ng konseho ng mga lider ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), ika-3 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa, at ika-5 summit ng kooperasyong pangkabuhayan sa Great Mekong Subregion (GMS). Kaugnay nito, idinaos kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina ang preskon para isalaysay ang mga kinauukulang detalye.
Kaugnay ng biyahe ni Li sa summit ng GMS, Isinalaysay ni Wang Chao, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang GMS ay mahalagang bahagi ng Asya. Ito rin ang nakatagong growth point ng kabuhayan. Ang tema ng gaganaping ika-5 summit ng kooperasyong pangkabuhayan sa GMS ay "pagtuunan ng lubos na atensiyon ang mapagbigay at sustenableng pag-unlad ng GMS". Tatalakayin ang hinggil sa "mapagbigay at sustenableng pag-unlad ng subrehiyon", "kooperasyon ng GMS at ibang mekanismong panrehiyon" at iba pang paksa.
Ito ang kauna-unahang pagdalo ni Premyer Li sa summit ng kooperasyong pangkabuhayan ng GMS. Sa panahon ng summit na ito, idaraos ang bilateral na pagtatagpo nila ng lider ng Thailand.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |