Sa paanyaya nina Punong Ministro Karim Massimov ng Kazakhstan, Punong Ministro Aleksandar Vučić ng Serbia, at Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, lumisan ng Beijing kaninang umaga si Premyer Li Keqiang ng Tsina para opisyal na dumalaw sa Kazakhstan, at idaos ang ika-2 regular na pagtatagpo ng mga PM ng Tsina at Kazakhstan. Bukod dito, dadalo rin ang premyer Tsino sa Ika-13 Pulong ng mga Punong Ministro ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at sa Ika-3 Pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at mga bansang Gitnang Silangang Europeo na idaraos sa Serbia. Kasabay nito, isasagawa rin ni Li ang opisyal na pagdalaw sa nasabing bansa. Pagkatapos, pupunta si Li sa Thailand para dumalo sa Ika-5 Pulong ng mga Lider ng Kooperasyong Pangkabuhayan ng Greater Mekong Subregion (GMS).
Salin: Li Feng