|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng UN Security Council (UNSC) ang isang pahayag bilang mahigpit na pagkondena sa insidente ng pamamaril na nakatuon sa embahadang Israeli sa Greece.
Anang pahayag, binigyang-diin ng UNSC na dapat parusahan ang may-kagagawan. Ipinahayag pa nito ang papuri sa agarang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Pamahalaan ng Greece hinggil dito.
Inulit ng UNSC na ayon sa mga may-kinalamang tadhana ng "UN Charter," ang lahat ay dapat magsikap, hangga't makakaya para mabigyang-dagok ang terorismo at mapangalagaan ang kapayapaan at kaligtasang pandaigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |