|
||||||||
|
||
Mula ika-19 hanggang ika-20 ng kasalukuyang buwan, pupunta sa Macao si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, para dumalo sa pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa Tsina, at sa inagurasyon ng ika-4 na Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR).
Ito ang magiging kauna-unahang biyahe ni Pangulong Xi sa Macao sapul nang manungkulan siya bilang pinakamataas na lider ng Tsina.
Sinabi ni Qiang Shigong, Direktor na Tagapagpaganap ng Sentro ng Pananaliksik ng Hong Kong at Macao ng Beijing University, na bibigyan ni Pangulong Xi ng mga mungkahing pampatnubay ang administrasyon ng bagong Pamahalaan ng Macao SAR, at makikipagpalitan ang Pangulong Tsino ng kuru-kuro sa mga personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Macao. Ito aniya ay may napakahalagang katuturan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |