Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa probinsyang Jiangsu, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na dapat komprehensibong tupdin ang diwa ng Ika-18 Pambansnag Kongreso ng CPC, at Ika-3 at Ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, at dapat ding isakatuparan ang diwa ng Pulong ng Komite Sentral tungkol sa Gawaing Pangkabuhayan para aktibong alamin at ipatupad ang bagong tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan. Ito aniya ay naglalayong pasulungin ang komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan, komprehensibong palalimin ang reporma, komprehensibong pasulungin ang pangangasiwa sa estado alinsunod sa batas, at pasulungin pa ang reporma at pagbubukas sa labas at konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon.
Salin: Li Feng