|
||||||||
|
||
Ang pulong ang magbibigay sa mga kasaping bansa ng ASEAN ng oportunidad na magpalitan ng mga impormasyon at magbahaginan ng mga karanasan sa PPP programs at magkaroon ng network ng PPP units sa mga bansang kabilang sa ASEAN at maisulong ang kani-kanilang mga proyekto sa mga posibleng investor, financing institution at development partners.
Tatalakayin dina gn panukalang ASEAN Guidelines/Principles on PPP na siyang magsasama-sama ng policy, institutional at regulatory frameworks sa AMS at mapayabong ang economic integration sa rehiyon.
Sinabi ni Ambassador Elizabeth P. Buensoceso, ang kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN na ang Pilipinas ang isa sa may naunang PPP legal at administrative structure. Pinakamataas umano ang nakamtang posisiyon ng Pilipinas sa kahandaan para sa PPP sa ASEAN sa 2011 Study ng Economist Intelligence Unit na tinustusan ng Asian Development Bank.
Ang pulong ay binubo ng Philippine Permanent Mission to ASEAN at suportado ng ACCC, Office of ASEAN Affairs ng Department of Foreign Affairs, PPP Center of the Philippines at suportado rin ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia at ng ASEAN Region Integration Support mula sa European Union.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |