Sa kanyang pakikipag-usap kahapon ng hapon sa Astana kay Abdullah Abdullah, Chief Executive Officer ng Afghanistan, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na positibo ang Tsina sa pakikipagtulungan sa Afghanistan. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na gaganap ng konstruktibong papel para pasulungin ang mapayapang rekonstruksyon, pambansang rekonsilyasyon at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Afghanistan.
Ipinahayag naman ni Abdullah ang pasasalamat sa walang tigil na ambag na ibinibigay ng Tsina para sa kapayapaan at pambansang rekonsilyasyon ng Afghanistan. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para palalimin ang mapagkaibigang pagtutulungang may matuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.