|
||||||||
|
||
Sa Naypyidaw, Myanmar — Idaraos ngayong gabi ang seremonya ng pagpipinid ng China-ASEAN Cultural Exchange Year. Dadalo sa seremonyang ito sina Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina, at Pangalawang Pangulong Nyan Tun ng Myanmar.
Ang pagdaraos ng China-ASEAN Cultural Exchange Year ay mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang panig. Idinaos sa Beijing noong ika-7 ng nagdaang Abril ang seremonya ng pagbubukas ng nasabing aktibidad.
Ipinahayag ng mga opisyal ng bansang ASEAN na ang pagpapalitang pangkultura ay magsisilbing matatag na pundasyon para sa pagpapalakas ng pagkakaibigang di-pampamahalaan. Ito anila ay nakakatulong sa pagpapalalim ng pagtitiwalaan ng isa't-isa, at pagpapataas ng bilateral na relasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |