|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ni Emelie Fe Delos Santos, Olongapo City Chief Prosecutor, na isinampa na ang kasong murder kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kaugnay ng pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Sa isa namang pahayag na ipinalabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ipinahayag nito na komprehensibong makikipagtulungan sa Estados Unidos para makamit ang katarungan ng biktima.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |