Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Nay Pyi Taw kay Pangulo Thein Sein ng Myanmar, ipinahayag ni Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina na nananatiling malalim ang pagkakaibigang pangkapatid sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Myanmar. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar, para ibayo pang pahigpitin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa batay sa pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan, mabilisang pagtutupad sa mga narating na kasunduang pangkooperasyon, pagpapalalim ng kanilang pagtutulungan sa imprastruktura, agrikultura, pinansya, seguridad, personal exchange, at pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan nito. Sinabi ni Li na nagiging priyoridad ang pagpapasulong ng diplomatikong relasyon ng Tsina sa mga bansang ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina na itatag, kasama ng ASEAN, ang mas mahigpit na komunidad ng Tsina at ASEAN at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 siglo, para pangalagaan ang katatagan, kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Pangulo Thein Sein na positibo ang Myanmar sa tradisyonal na mapagkaibigang pagtutulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at may pag-asa itong magtatamo ng progreso sa lalong madaling panahon.