Ayon sa ulat ng World News ng Thailand, ipinahayag kamakailan ni Numchai Lowattanatakul, Puno ng Provincial Electricity Authority o PEA, na ang target ng pamumuhunan ng nasabing authoridad sa 2015 ay 15 bilyon hanggang 20 bilyong Thai Baht o halos 454 milyon hanggang 606 milyong dolyares. Aniya, nagsisikap ang pamahalaan para mapatupad ang pagsusuplay ng koryente sa buong bansa bago ang katapusan ng 2015, ibig sabihin, 18 milyong tahanan ang magkakaroon ng koryente kapag naisagawa ang planong ito.
Salin: Andrea