Ipinahayag kahapon ni Leung Chunying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR), na nagsisikap ang kanyang pamahalaan para sa ikalawang round ng public consultation tungkol sa planong reporma sa administrasyon at pagsang-ayon ng dalawa-katlong miyembro ng lehislatura sa naturang plano. Ito aniya'y makakatulong sa pagsasakatuparan ng pangkalahatang halalan sa HKSAR, sa taong 2017.
Sinabi ni Leung Chunying na pinahahalagahan ng pamahalaan ng HKSAR ang kalayaan ng press. Pangangalagaan aniya ng pamahalaan ang magkatuwang na pakikipagtulungan nito sa media.