Sinabi kahapon ni Wang Xiangrong, opisyal ng National Internet Information Office ng Tsina, na ayon sa pagtaya, lalampas sa 500 milyon ang bilang ng mga smart phone users ng Tsina sa kasalukuyang taon. Sa susunod na taon, mahigit 40% mamamayang Tsino ay gagamit ng internet sa pamamagitan ng cellphone.
Sa Ika-12 Taunang Pulong ng Network Economy ng Tsina, sinabi ni Wang na 20 taon na ang nakararaan, sapul nang makakonekta ang Tsina sa internet, at hanggang sa ngayon, ang Tsina ay nagsisilbing world network power.
Salin: Li Feng