|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, dumating ng Don Muang Airport sa Bangkok kaninang umaga (local time) si Premyer Li Keqiang ng Tsina para dumalo sa Ika-5 Pulong ng mga Lider ng Kooperasyong Pangkabuhayan ng Greater Mekong Sub-region (GMS).
Ipinahayag ng premyer Tsino na sapul nang pasimulan ang Kooperasyong Pangkabuhayan ng GMS noong 1992, natamo nito ang mahalagang progreso sa aspekto ng pagpapasulong ng kooperasyong sub-rehiyonal at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Sa panahon ng naturang pulong, mag-uusap sina Li Keqiang at Prayuth Chan-ocha, at lalagdaan nila ang bilateral na dokumentong pangkooperasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |