|
||||||||
|
||
Ipinangako kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang patuloy na pagsuporta sa Liberia sa paglaban sa epidemya ng Ebola virus.
Nagtagpo kahapon sina Ban at Pangulong Ellen Johnson-Sirleaf ng Liberia. Pagkatapos ng pagtagpo, sinabi ni Ban na optimistiko ang UN sa mga gawain ng Liberia sa paglaban at pagkontrol sa epimedyang ito.
Dagdag pa niya, tutulungan ng UN ang rekonstruksyon ng bansang ito pagkatapos ng epidemya.
Pinasalamatan ni Ellen Johnson-Sirleaf ang pagtulong ng UN at World Health Organization (WHY) sa gawaing paglaban sa Ebola virus.
Pagkatapos ng Liberia, dadalaw pa si Ban sa Guinea, Sierra Leone at Mali para maglakbay-suri sa gawain ng naturang mga bansa sa paglaban sa epidemyang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |