Patuloy na umunlad sa taong ito ang agrikultura at kabuhayan sa kanayunan ng Tsina.
Ipinahayag kahapon ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina, na sa taong ito, umabot sa mahigit 600 milyong tonelada ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina na mas malaki nang mahigit 5 milyong tonelada kumpara sa nagdaang taon. Samantala, patuloy ding lumaki ang kita ng mga magsasaka, at ang paglaki ay magiging mas mabilis kaysa paglaki ng GDP ng bansa, at paglaki ng kita ng mga residente sa lunsod.
Salin: Liu Kai