Itinatag kahapon ang Pambansang Lupon ng Malikhaing Siyensiya't Teknolohiyang Agrikultural ng Tsina. Sa pulong ng pagtatatag, ipinahayag ni Han Changfu, Ministro ng Agrikultura ng Tsina na ang pagtatatag ng nasabing lupon ay isang pangunahing hakbangin sa pagpapalalim ng reporma, pagpapasigla ng siyensiya't teknolohiya at pagpapasulong ng modernisasyon ng industriyang agricultural.
Napag-alamang ang nasabing lupon ay isang bagong platapormang pangkooperasyon ng mga instituto ng paghahayupan at agrikultura sa antas ng bansa, probinsya at lunsod. At ito ang pangunahing puwersa sa inobasyon ng siyensiya't teknolohiyang agrikultural ng Tsina.