Nilagdaan kamakailan ng Tsina at Thailand ang "Memorandum ng Kooperasyon ng Daangbakal ng Tsina at Thailand" at "Memorandum ng Kalakalan ng Produksyong Agrikultural ng Tsina at Thailand". Ang itatatag na daangbakal na mag-uugnay ng Nong Khai Province sa dakong hilaga at Map Ta Phut sa Timog ng Thailand, mahigit 800 km ang haba, ito ay kauna-unahang standard track ng Thailand. Kapag sinimulan ang konstruksyon ng proyekto, madaragdagan ang mga pagkakataon ng paghahanap-buhay at palalakihin ang kabuhayan ng mga rehiyon lugar na daraanan ng daangbakal.
Ayon sa datos na ipinalabas ng Kasikornbank ng Thailand, tinatayang lalaki nang 3.5% hanggang 4.5% ang kabuhayan ng Thailand sa susunod na taon.
salin:wle