INAMIN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na magpa-Pasko ang may 100,000 mga biktima ni "Ruby" sa loob ng iba't ibang evacuation centers sa Western at Eastern Samar.
Mananatili sila sa mga tolda at mga silid-aralan. Ilan sa mga evacuees ang magdiriwang ng Pasko sa dilim sapagkat wala pa ring kuryente. Wala pa ring kuryente ang mga lalawigan ng Northern, Eastern at Western Samar.
Umabot naman sa 36,000 mga tahanan at gusali ang napinsala sa Eastern Visayas. May nabalitang 15 mga nasawi sa pagdaan ni "Ruby" sa central Philippines.