Ayon sa pahayagang "Business World" ng Pilipinas, ipinahayag kamakailan ni Arsenio Balisacan, Puno ng National Economic Development Authority ng Pilipinas, na ang pagluluwas ng Pilipinas sa taong 2014 ay may pag-asang lalampas sa itinakdang target ng pamahalaan, at maisasakatuparan ang 10% na paglaki nito.
Ayon kay Balisacan, hanggang noong katapusan ng nagdaang Oktubre, lumampas na sa 51.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng bansa. Ito aniya ay mas malaki ng 9.2% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng