Sa Phnom Penh — Idinaos kahapon ang seremonya ng paglalagda sa "Sentro ng Pagpapasulong ng Agrikultura ng Tsina at Cambodia," isang malaking proyektong agrikultural ng pagbibigay-tulong ng Tsina sa Cambodia. Dumalo sa seremonyang ito sina Ty Sokhun, Kalihim ng Estado sa Agrikultura, Panggugubat, at Pangingisda ng Cambodia, at Song Xiaoguo, opisyal ng Embahadang Tsino sa Cambodia.
Ipinahayag ni Song Xiaoguo na ang agrikultura ay mahalagang industriya sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Cambodia. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, matatamo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang agrikultural ang mas malaking bunga.
Salin: Li Feng