|
||||||||
|
||
HINDI binago ng isang hukuman sa United Arab Emirates ang hatol na pagkakabilanggo sa isang Filipina dahilan sa drug smuggling.
Ayon sa pahayagang Khaleej Times, pinagmumulta rin ng DH 50,000 ang Filipina matapos magpuslit ng 95 gramo ng amphetamine noong nakalipas na buwan ng Mayo.
Ipatatapong pabalik sa Pilipinas ang 27 taong gulang na Filipina matapos pagdusahan ang pagkakabilanggo.
Ayon sa balitang lumabas, dumating ang Filipina sa Dubai International Airport Terminal 2 mula sa Iranian island na Kish. Nagduda ang mga taga-customs sapagkat tila kakaiba ang ikinikilos ng Filipinas. Wala umanong nakitang droga sa unang scan sabalit natagpuan ang amphetamine sa kanyang kilikili.
Sinabi ng Filipina na may nagbigay sa kanya ng pakete at ibibigay sa isang tao sa Dubai kapalit ng Dh 50,000. Sinuri din ang kanyang ihi at nabatid na gumagamit din siya ng droga.
Ipinagsumbong siya ng illegal drugs possession, smuggling at paggamit nito at ipinadala sa isang hukuman. Hinatulan siyang mabilanggo ng pitong taon at pinagmumulta pa ng Dh 50,000.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |