|
||||||||
|
||
KUMBINSIDO ang Malacañang na makakapasa ang P 2.606 trilyong General Appropriations Act para sa 2015 sa anumang pagsusuri ng Korte Suprema.
Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang batas noong Martes at wala ng anumang Priority Development Assistance Fund o pork barrel. Detalyado na umano ang gagastusan ng pamahalaan upang makaiwas sa anumang iregularidad.
Naghain ng usapin sa Korte Suprema si dating Iloilo Congressman Augusto Syjuco, Jr. at humiling na ideklarang taliwas sa Saligang Batas ang 2015 General Appropriations Act.
Ayon kay G. Syjuco, naglaan ang legislative at executive departments ng malalaking pondo na maihahalintulad sa pork barrel allocations na unang sinabing unconstitutional ng Korte Suprema sa kanilang mga desisyon sa PDAF at Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ipinaliwanag naman ni Kalihim Herminio Coloma, Jr. na sa paghahanda ng budget para sa susunod na taon, pinag-aralan ng mga opisyal ng pamahalaan ang nilalaman ng Saligang Batas at iba pang mga alituntunin. Hindi umano mahahadlangan ang pagpapatupad ng nilalaman ng General Appropriations Act para sa susunod na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |