|
||||||||
|
||
NANGAKO si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang ikalimang taong panunungkulang ipagpapatuloy ang maayos na pamamalakad sa pamahalaan sapagkat nagmula ang halimbawa kay Panginoong Hesukristo.
Sa kanyang mensahe sa Kapaskuhan, sinabi ni Pangulong Aquino na halimbawa ng kababaang-loob at pag-asa ang naging sandigan ng kanyang liderato na hindi nag-iisip ng pangsarili kungdi ang maglingkod sa kanyang mga amo, ang taongbayan.
Ipinagpapatuloy ang pagtutuwid ng kalakaran at hahabulin ang mga tiwali, alagaan ang mga biktima ng kalamidad at magbigay ng oportunidad na mabuhay ng mas maayos sa balana ang kanyang mga prayoridad.
Nanawagan siya sa madla na tingnan ang mas magagandang nagaganap sa bansa kahit pa napinsala ng bagyong "Ruby" kamakailan. Natuto na umano ang madla sa karanasang dulot ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na taon.
Ipinagpasalamat din ni Pangulong Aquino ang napipintong pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis na siyang magpapasigla sa pag-asa at magpapalalim sa pananampalataya ng mga Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |