Naglakabay-suri kamakailan ang grupo ng mga dalubhasa ng World Health Organization (WHO) sa sentro ng pagbibigay-tulong ng Tsina sa Sierra Leone upang labanan ang Ebola virus. Nakipagpalitan ng kuru-kuro ang grupong ito sa mga miyembro ng grupong medikal ng Tsina doon.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa ng WHO na kumpleto ang imprastruktura ng naturang sentro, at mabuti ang proseso ng gawain nito. Bukod dito, mahigpit anilang isinasagawa ng sentro ang mga gawain alinsunod sa may-kinalamang pamantayan ng WHO, at lubos na kinumpirma ng WHO ang mga ito.
Salin: Li Feng