Binuksan kahapon sa Beijing Capital Museum ang isang eksibisyon ng mga relikya at sining ng Kambodya. Ito ang kauna-unahang ganitong eksibisyong naidaos ng Kambodya sa Tsina.
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng eksibisyon sina Gu Yucai, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Relikya ng Tsina, at Chuch Phoeurn, Kalihim ng Estado ng Ministri ng Kultura at Sining ng Kambodya. Kapwa sila positibo sa eksibisyong ito. Ito anila ay malaking pangyayari sa pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Kambodya, at nagbukas ito ng bagong kabanata sa aspektong ito.