Ipinatalastas kahapon ng Ministring Panlabas ng Belarus ang pagkansela sa ikalawang pag-uusap ng bagong round ng talastasan ng grupong liasyon ng isyu ng Ukraine, na nakatakdang idaos nang araw ring iyon sa Minsk, kabisera ng Belarus.
Pero, hindi isiniwalat ng panig ng Belarus ang dahilan sa pagkansela sa pag-uusap na ito.
Ang unang pag-uusap ng naturang round ng talastasan ay idinaos noong ika-24 ng buwang ito sa Minsk, na nilahukan ng Ukraine, Organization for Security and Cooperation in Europe, at Rusya. Ito ay close-door meeting.