Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Punong Ehekutibo Leung Chun Ying ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (Hong Kong SAR) at Punong Ehekutibo Chui Sai On ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR).
Pinakinggan ni Xi ang ulat ng dalawang punong ehekutibo hinggil sa kasalukuyang kalagayan at mga gawain ng pamahalaan ng Hong Kong SAR at Macao SAR. Positibo siya sa gawain ng dalawang punong ehekutibo. Sinabi rin niyang dapat igiit ang patakarang "isang bansa, dalawang sistema," at igarantiya ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng dalawang espesyal na rehiyong administratibo.