Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Syria, sang-ayon ito sa isinasagawang pamamagitan ng Pamahalaang Ruso. Iminungkahi ng Rusya na idaos sa Moscow ang diyalogo sa pagitan ng oposisyon at pamahalaan ng Syria. Inaasahan din nitong makakatulong ang diyalogong ito sa paglutas ng krisis sa Syria na tumatagal na ng halos 4 na taon.
Noong Huwebes, ipinahayag ni Tagapagsalita Alexander Lukashevich ng Ministring Panlabas ng Rusya, ang kahandaang lumikha ng pagkakataon para magtipun-tipon sa Moscow, sa unang dako ng susunod na taon, ang mga kinatawan ng Pamahalaan ng Syria at oposisyon.
Salin: Li Feng