|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ngayong araw ng Ministri ng Komunikasyon ng Indonesia, nawalan ng kontak nang araw ring iyon ang Air Asia flight QZ 8501 mula Indonesia papuntang Singapore.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng sangay ng Air Asia sa Indonesia, sinabi nito na ang nawawalang eroplano ay A320-200, at ang registration mark nito ay PK-AXC.
Ayon pa sa pahayag, may 155 pasahero ang nasabing eroplano na kinabibilangan ng 138 adult, 16 na bata, at isang sanggol. Bukod dito, mayroon itong 7 crew. Ang nasabing mga pasahero at crew ay kinabibilangan ng 156 na Indones at 6 na dayuhan.
Anang pahayag, kasalukuyang isinasagawa ang rescue work sa ilalim ng patnubay ng kawanihan ng abiyasyong sibil ng Indonesia. Buong sikap namang nakikipagtulungan ang Air Asia sa rescue work.
Ayon pa sa ulat, ipinalabas ngayong araw ng Embahadang Tsino sa Indonesia ang isang pahayag na nagsasabing walang mamamayang Tsinong lulan ng nasa naturang nawawalang eroplano.
Sinabi naman ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na nagkakaloob ang kanyang pamahalaan ng tulong sa paghahanap ng flight QZ 8501.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |