Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Dhaka, Bangladesh sa kanyang counterpart na si Abu Ali, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na umuusbong ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Bangladesh. Umaasa aniya siyang tutupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa para palakasin pa ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Ali na bilang estratehikong magkatuwang at mapagkaibigang kapitbansa ng Bangladesh, ang pag-unlad ng Tsina ay magdudulot ng ginhawa sa buong Asya. Igigiit aniya ng kanyang bansa ang patakarang "Isang Tsina."